English Download
HOME    |     PORUM    |     INSTRUKSYON    |     PARAAN NG PAG-AARAL    |     FAQs    
Hanap Leksiyon
Leksyong Pakikipag-usap
  Mahahalagang Pananalita ng English
  Leksyong Regular
  Leksyong Pang-Bisnis
  Leksyong Pang-Interbiyew
  Leksyong Paglakbay
  Parapong Idyoma
  Topikong Espesyal
  Indeks ng Buong Leksyon
 
Leksyong Pakikinig
  Karaniwang Leksyong Pakikinig
  Leksyong Intermediyang Pakikinig
  Pangunahing Leksyong Pakikinig
 
Karagdagang Leksyong Inglis
  Leksyong Pagbibigkas
  Gramatikang Impormasyon
  Intonasyon at Bilis
  5 Alintuntunin para Leksyong Pakikipag-usap



Mabuhay ang TalkEnglish.com

Gumawa ng kumpletong solusyon ang TalkEnglish.com upang mapahusay ang paggamit ng salitang Inglis sa pamamagitan ng pakikipag-usap, pakikinig, pagbigkas, at madadaling leksyong pang-gramatika. Bago simulan ang kursong ito, pakisundan ang mga sumusunod na instruksyon:

1. Basahin ang nilalaman ng pinaka-unang pahina
2. Basahin ang 5 Alintuntunin para Leksyong Pakikipag-usap
3. Basahin ang Paraan ng Pag-aaral at materyal nito
4. Simulan pag-aralan ang mga leksyon mula sa Leksyong Regular
5. Magtanong sa porum kapag may katanungan 6. I-download ang TalkEnglish Offline Version at pag-aralan gamit ang iyong MP3 player.  Ito ang tutulong sayo para makapag-salita ng English ng mas mabilis.

Matutong Gamitin ang Inglis!
Magiging eksperto ka sa Inglis!

Maraming taon ang ginugulgol ng karamihan para pag-aralan ang Inglis. Ngunit kapag pumunta sila sa bansang Inglis, mapagtatantu nilang hindi pa rin sila makapagsalita ng tamang Inglis pagkatapos ng ilang taong pag-aaral. Ang site na ito ay magbibigay pundasyon upang maging epektibo ang pakikipag-usap ng Inglis.

Makipag-usap ng mahusay sa Inglis ng walang iniisp ang alintuntunin at lohika.
Gayahing bigkasin ang mga tamang pangungusap ng paulit-ulit.

Kailangan mo bang magmemorya ng Inglis o kailangan mo ba intindihin ang Inglis bago ito bigkasin? Pag-isipan muna natin paano tayo natuto sa magsalita ng sarili nating lenguahe. Noong ikaw ay batang musmos pa lamang, pinapakinggan at ginagaya mo ang iyong mga magulang paano sila magsalita. Ganoon din sa Inglis, nalalaman natin ang konsepto at teorya paano tayo matututo . Subukan intindihin ang ibig sabihin ng bawat talata at subukan itong pagsama-samahin ang lohiko nito. Kapag nag-aaral ka ng GMAT o TOEFL o anumang pagsusulit, kailangan mo intindihin ang bawat talata at salita nito. Ngunit kapag ikaw ay magsasalita ng Inglis, hindi mo kailangang alamin ang patakaran dahil mas mahihirapan at matatagalan kang matuto. Mag-memorya, ito ang pinakamainam para matuto ng Inglis. Una, magkaroon ka ng tamang talata. Pakinggan ito, at ulitin ang talata ng paulit-ulit hanggang sa masanay kang sabihin ito.

Natuto ba ka magsalita ng Inglis sa inyong klase?
Wala ka dapat ipag-alala. Ang TalkEnglish.com ay gagabayan ka para matuto.

Ang pakikipag-usap ng Inglis ay higit na mas mahirap taliwas sa alam ng karamihan. Kapag bumili ka ng mga libro at dumadalo ka sa mga klaseng Inglis, mabibigo at madidismaya ka lamang. Ang TalkEnglish.com ay naiiba at siguradong magkakaroon ka ng kumpiyansa sa sarili mo. Ang sinumang makakatapos ng programang ito, ay may kakayahang makipagtalastasan sa anumang sitwasyon.

Nakikipag-usap ka ba pagkatapos pag-isipan ang mga salitang iyong sasabihin?
Hindi mo na kailangang isipin ang mga salitang sasabihin mo.

Kapag tatanungin kita tungkol sa iyong lenguahe, hindi mo kailangang isipin ang bawat salitang sasabihin mo. Maaaring iisipin mo ay nilalaman ng sasabihin mo. Ngunit masasabi mo ang gusto mo sabihin pagkatapos mo itong pag-isipan. Dahil naimemorya mo na ang mga ito. Kapag gusto makapagsalita ng Inglis, kailangan mong sariwain ang mga impormasyon. Para magawa mo ito, dapat na naimemorya mo na ang mga talata. Kapag memoryado mo na ang mga salitang ito, madali mo silang masasabi. Halimbawa, natutunan mong sabihin ang, 'How are you doing?'. Hindi mo na kailangan pag-isipan pa ito dahil napraktis mo na ng maraming beses. Ganyan ang ating pag-aaralan.

Mag-praktis ng mga talata na madalas gamitin.
Ang TalkEnglish.com ay hindi naglalaman ng mahihirap ng talata.

Ang mga ginamit na pangungusap sa site na ito ay madalas gamitin at siguradong maiintindihan ng lahat. Maraming mga mahihirap na salita sa mga libro. Sapagkat hindi mo alam alin doon ang tama at maling talata, maaaring nag-aaksaya ka lamang ng pagod at panahon sa mga talatang hindi naman ginagamit. Mapag-aaralan mo ang mga talatang madalas gamitin dito sa TalkEnglish.com. Hindi mo na kailangan i-memorya ang mga libo-libong salita na hindi naman ginagamit.

Ang pakikinig ay hindi mapapahusay ang iyong pakikipag-usap.
Ang TalkEnglish.com ay naka-pokus sa pagtuturo kung paano magsalita ng Inglis.

Ang panonood ng Telebisyon ang isa sa mga ginagawa ng karamihan para mapahusay ang kanilang Inglis. Gagaling ka makinig ngunit ang pagsasalita mo ng Inglis ay ganoon pa rin. Tanungin kung ang balita ba ay nakakatulong sa pagsasalita mo sa Inglis gaya nito: "In Iraq today, 200 US troops have evacuated the perimter near Baghdad due to constant surprise attacks by the remaining rebels", makakatulong ba sayo ang talatang ito para sa pakikipag-usap mo sa taong madalas mong kausapin? Hindi ba't mas gugustuhin mong pag-aralan ang mga talatang maaari mong gamitin sa araw-araw?

 

Ano ang Bago sa TalkEnglish.com?

Mahigit daan ang bilang ng leksyong pakikinig na may kasamang masasayang tanong at sagot para mapahusay ang iyong pakikinig.

Naglalaman ng mahigit dalawang daan audio talaksan at mahigit dalawampu ang bagong leksyong pagbibigkas na naglalaman ng 40 tunog Inglis. Ang lahat ng leksyong pagbibigkas ay naglalaman ng instruksyon kung papaano ito bigkasin ng tama.

May paliwanag din sa loob nito para sa mga mahahalagang leksyong gramatika. Siyasatin din ang tips ng Intonasyon at Bilis ng Pagsasalita!

Huwag kalimutan ang mga bagong impormayon gaya ng 5 Importanteng Alituntunin sa Inglis!


0
Copyright © 2005 - 2012 TALKENGLISH.COM      Termino ng Paggamit     |    Kontak    |    Pribadong Patakaran