English Download
HOME    |     PORUM    |     INSTRUKSYON    |     PARAAN NG PAG-AARAL    |     FAQs    
Hanap Leksiyon
Leksyong Pakikipag-usap
  Mahahalagang Pananalita ng English
  Leksyong Regular
  Leksyong Pang-Bisnis
  Leksyong Pang-Interbiyew
  Leksyong Paglakbay
  Parapong Idyoma
  Topikong Espesyal
  Indeks ng Buong Leksyon
 
Leksyong Pakikinig
  Karaniwang Leksyong Pakikinig
  Leksyong Intermediyang Pakikinig
  Pangunahing Leksyong Pakikinig
 
Karagdagang Leksyong Inglis
  Leksyong Pagbibigkas
  Gramatikang Impormasyon
  Intonasyon at Bilis
  5 Alintuntunin para Leksyong Pakikipag-usap



PARAAN NG PAG-AARAL

Ang TalkEnglish.com ay programang nag-aalok ng leksyong Regular, Bisnis, Interbyew, Paglalakbay, kasama nito ang bagong Leksyong Pakikinig, Leksyong Pagbibigkas, Madadaling Gramatika, at Intonasyon at Bilis ng pagsasalita. Ang mga ito ay detalyadong paraan kung papaano mag-aral sa TalkEnglish.com.

Para sa Regular na Inglis, Pang-bisnis na Inglis, at Paglalakbay na Inglis

1. Magsimula sa unang leksyon
2. Pindutin ang bawat talata at pakinggan ito.
3. Ulitin pagkatapos ng bawat pangungusap. Pakinggan at ulitin ang pangungusap hanggang sa maging dalubhasa.
4. Pagkatapos ng ilang serye, makikita mo ang Interactive Conversation Practice Lesson.
5. Pakinggan ang totoong talastasan sa pamamagitan ng pagpindot ng Listen All button
6. Pakinggan itong mabuti hanggang sa maging komportable ka maging Person A at Person B.
7. Kapag handa ka na, maging Person A o Person B sa pamamagitan ng pagpindot ng buttons.
8. Lahat ng interactive na talastasan ay puwang magagaling sa Inglis kung kaya mabibilis ang mga ito. Kung masyadong mabilis para sayo, maari mo pindutin ang pause button para makapag-praktis.
9. Pagkatapos mo makapag-praktis ng ilang beses, maaari kang mag-practice na hindi ginagamit ang pause button.

Para sa Interbiyew na Inglis at Mahahalagang Parirala

1. Mamili ng Tanong o Topiko na nais mong pag-aralan
2. Basahin ang paliwanag
3. Pindutin ang bawat halimbawang kasagutan para mapakinggan sagot o pangungusap

Para sa Leksyong Pakikinig

1. Pindutin ang tuno o letra na nais mong pag-aralan
2. Bigyan ng pansin ang mga instruksyon
3. Pindutin ang anumang pangungusap o salita na kulay asul para mapakinggan ang tuno.

Para sa Leksyong Pagbibigkas

1. Pindutin ang tuno o letra na nais mong pag-aralan
2. Bigyan ng pansin ang mga instruksyon
3. Pindutin ang anumang pangungusap o salita na kulay asul para mapakinggan ang tuno.

Karagdagang Payo sa Pag-aaral

Mag-ensayo na walang anumang iniisip na salita
Kapag minsan mo binasa ang bawat seksyon at leksyon, matatapos mo ito sa loob ng 10 minuto. Ngunit wala ka matututunan. Pag-aralang mabuti ang mga ito hanggang sa maging parte sa iyo ang mga pangungusap. Kailangang mong sabihin ang mga pangungusap na walang anumang iniisip. Gamitin ang Interactive Conversation Practice sesyon ng paulit-ulit hanggang sa maging mahusay ka. Huwag mawalan ng pag-asa sa pag-aaral kapag gumugugol ka ng maraming oras.

Palibutan ng English ang iyong sarili matuto ng English ng mas mabilis
I-download ang TalkEnglish Offline Version saEnglish Downloadpahina at gamitin lahat ng pag-uusap at dyalogo gamit ang MP3 player. Makakapakinig at makakapag-praktis ka na kahit wala ka sa iyong mesa para mag-aral. Maaari mong gamitin ang audio files sa pag-aaral ng English habang nasa daan, naghihintay ng sasakyan, nasa kapehan, o saan mang lugar. Hindi mo na kailangang iwan ang iyong bansa para lamang makapag-aral ng English kung gagamitin mo ang paraan na ito. Ang pagkakaroon mo ng lahat ng audio files ang tutulong sayo para maging mabilis ka matuto sa pagsasalita!

Mag-ipon ng oras at sikap
Huwag kang maniwala na matututo ka ng Inglis sa pamamagitan ng paggamit ng libro sa loob ng 3 buwan. Yan ay walang katotohanan, sapagkat ang mga matatalinong tao lamang ang makagagawa ng ganoon. Sa katunayan, mas matatagalan ka pang matuto. Sa loob ng isang taon, sa site na ito, matututo kang magsalita ng Inglis depende sa oras at pagsisikap ang igugugol mo. Kahit pa abutin ka ng dalawang taon para matuto, napakalaking bagay ito sapagkat ang iba ay aabutin pa ng 10 taon bago sila matutong magsalita ng Inglis.

Regular na Magbalik-aral
Normal lamang ang makalimutan ang mga bagay na hindi mo ginagamit. Kahit matapos mong i-master ang mga leksyon, kailangan mo pa ring silipin ang portion ng Interactive Conversation sa Leksyong Regular para hindi mo makalimutan. Pag naiukit na sa isip mo ang mga pangungusap, makakapagsalita ka ng Inglis na mahusay.

Magtanong kahit kelan mo gustuhin
Lahat ng gumagamit ng site na ito ay maaaring paskil sa Porum. Habang nag-aaral ka ng Inglis, pwede ka pumunta sa Porum para iyong mga katanungan.

 

Karagdagang Paalala sa Pag-aaral

Importanteng pag-aralan ang mga pinaka-epektibong material. Nagbibigay ng materyal na madalas gamitin ang TalkEnglish.com. Hindi ka nagsasayang ng oras sa pag-aaral dito sa talkenglish.com

Ang pagbabasa at pagsusulat ay hindi nakakatulong sa iyong pakikipag-usap. Kung mapapag-aralan mong makipag-usap sa tamang paraan, siguradong magiging mahusay ka rin sa pagbabasa at pagsusulat.


0
Copyright © 2005 - 2012 TALKENGLISH.COM      Termino ng Paggamit     |    Kontak    |    Pribadong Patakaran